Home

Advertisement

gemai
Add to Memories
Tell a Friend
haay. anu ba tong nararamdaman ku. eto yung pinaka yokong nararamdaman eh. kinakabahan na di malaman ang dahilan. ................

Current Mood: nervous
Current Music: alapaap--eraserheads

Add to Memories
Tell a Friend
Ayan. Update ko lang toh saglet.

Naiinis lang ako. Bakit ba ayaw ako palipatin ng dorm?. Badtrip talaga. AYOKO dun sa dorm na pinagmamay arian ng mga taong may saltik ata sa pakiwari ko. Haay.

Un lamang. Naglalabas lang ng sama ng loob.

Current Mood: angry
Current Music: lights ang sounds--yellowcard

Add to Memories
Tell a Friend
Hayan dahil sa wala ako magawa, iupdate ko na lang tong journal ko. Eto ang mga nangyare sa aken ngayong araw na to.

6 am. Ginising ako ni mamsi. Ako'y mag eenrol na! Yehes! Kurso ko? Computer Science. Hahaha yun pala ang babagsakan ko. Eto ang aking sked:

Course Title Schedule
College Algebra M/Th 9:00am-10:30am
Philosophy and Ethics M/Th 10:30am-12:00pm
Sining ng Pakikipagtalastasan M/Th 1:30pm-3:00pm
Introduction to Computer Science T/F 9:00am-10:30am
Communication Arts in Eng1 T/F 10:30am-12:00pm
General Chemistry T/F 1:30pm-3:00pm
Logic T/F 3:30pm-4:30pm
Physical Education M/Th 3:00pm-4:30pm
CWTS 1 W 1:30pm-4:30pm

Ayan ang aking skedyul.Nakakatuwa kasi di ako gigising ng sobrang aga. Hehehe.

Batang "Bakit?"
Pagtapos mag enrol pumunta kame ndg DV via fx. Tapos may sumakay den na mag-ama dun sa likod. Eto ang naging usap-usapan nila:

bata: san tayo pupunta?

tatay: sa tutuban.

bata: bakit? sabi mo sa pampanga.

tatay: sa tutuban muna tayo.

bata: bakit?

tatay: shhh. wag ka nga makulet. iiwan kita dito sige ka.

bata: bakit?

tatay: ankulet mo naman eh. wag ka na makulet. pag iniwan kita dito wala ka ng mommy at daddy.

bata: bakit?

Hanggang sa bumaba na kame. Ewan ko kung ano na nangyare sa bata.

Batang Umbre
Kung di niyo alam ang umbre, sila yung mga mahaharot yung kamay sa Majika. Oha san ka? Alam ko yun. Kasi ganto yun. Pauwi na kami at sumakay kami ng jip. Merong batang babae na kasama niya ata lula niya. Pinagmamasdan ko siya habang kinikilos niya ang mga kamay niya. Kumakanta rin siya non kaso di ko marinig kung ano kinakanta niya. Hinala ko "Glowing Inside" kasi nman halos lahat ng nakakasabay kong bata sa jip na kumakanta eh yun yung song. Hahaha. Tama nga hinala ko. Glowing inside nga. At sinundan pa ng Greatest Love of All. Syempre with matching mga kamay na parang umbre. Hahaha. Bumaba na sila ng jip di pa rin siya natitinag. Aba, may karir ka ng bata ka paglaki mo.

Si Lola na duma-dial
Kasabay rin nmen xa sa jip kasama niya ang labidabs niya na si lolo. Malamang. Hahaha. Eto ang mga pangyayari:

Pasimple si lola na dumayal sa kanyang ilong. Pasimpleng pahid sa pantalon ni lolo. Dial ulet. Pahid. Hahaha. Bumubulwak na talaga tawa ko dun.

Ayun lang,natatamad na ko mag type. Palam!

Current Mood: alive and kickin pa.
Current Music: High and Dry - -Radiohead

Add to Memories
Tell a Friend
sa totoo lang tinatamad ako mag update ng blog ngayon. di ko nman kasi alam kung may nagbabasa neto eh. in short, kinakausap ko ang aking mahal na sarili.

sa mga araw na nagdaan,natatangahan ako sa sarili ko. hahaha.

1.ginamit ko ang hair spray para sa body ko. hahah. e kasi naman nho,mukang lotion na malabnaw lang yung hair spray na yun. kakaiba. pero tanga p rin ako hahah. kasi di ko binabasa kung anu ba tlaga yung bagay na yun. basta gamit na lang kung nagustuhan. hahah.

2. kanina lang,ako'y nag toast ng bread na may butter at sugar. hintay ako. hintay. e di kukunin ko na siya. eto ako si tanga nanaman, di gumamit na tongs. kutsara ginamit ko pangkuha. ayun,nalaglag si isang tinapay sa floor. at dahil ako'y isang balahurang babae. kinain ko p rin siya. hahaha. wala pa nmang limang segundo eh.

3. pinagluto ako ng aking mamsi ng pakbet na di ko nman siya tlaga maturing na pakbet. kinulang ng lahok eh. ang available sources lang kanina sa ref ay kalabasa,okra at kikiam. oha pakbet beybe! yan ang aking niluto kanina. aba,masarap naman kahet paano.

4. kanina lang ay kinukwentuhan ko ang aking sister dear ng aking lablayp. syempre kasali dun ang katangahan ko sa isang lalaki. huwahaha. sino kang lalaki ka?

5. tuwing matatapos ako maligo,nilalabhan ko ang underwear ko. sino bang hinde? kung sino ka man na hindi naglalaba ng underwear mo. aba nene,malaki ka na. huwag mo na iasa ang lahat kay mommy dir. hahah. ayun nga,nanghagilap ako ng sabon. kusot ako.kusot. nagtataka ako kung baket di bumubula. anu ba gem. bath soap ang gamet mu. tanga talaga. hahaha.


~shuwariwariwap~ekstra chalends na.nood tayo.

Current Mood: o gem,antanga mo
Current Music: para sa'yo --parokya ni edgar

Add to Memories
Tell a Friend
Waasar nman! Bakit? Kasi naman nho r-18 pa yung The Da Vinci Code! Grrr haay. Ang pag asa ko na lang ay dapat mauto ko na 18 ako kung sino man ang guard dun sa movie house sa esem.Whahaha.

O my gas! Nagteks c lukas ngayon lang,as in ngayon lang.Di daw papalabas sa esem dasma yung Da Vinci. Huwel,e di sa rob na lang hahaha. Nkaka-hmpp talaga yon ah. Eto daw yung dahilan ng esem:"SM does not show r rated films. It so happened that Da Vinci Code is rated r...". Hello? Ayaw ba nila kumita. Hehehe.

After 2 wiks,nag unli na ulet ako. Hahaha syempre sa Smart na ulet muna ako. Ayun,nkakagulat yung voice message na pinadala ni Ian. Pers tym ko nakatanggap non ah. Hehehe. Kaya nman di ko siya natapos sa katarantahan ko.

Si Adee ren ang isa sa mga nakateks ko. Whahaha. Kakatuwa tlaga lab tim nila ni Benee niya. Hehehe. At may nalaman pa kong di kapanipaniwala. Syempre,quiet lang ako tungkol don.Hahaha.

Isa pa sa nkateks ko ay si Lukas. Na kateks ko pa ren hanggang ngayon. Pininipilit niya na meh nagtanong daw na boy ng name ko nung pumunta ko sa PCU. Hahaha. Guni guni mu lang yon Lukas!

Si Imse ren pala na di na biter biteran sa dteng biter n biter siya. Hahaha.

Ayun lang.Natatamad na ko mag tayp. Nood pa ko Nuts Entertainment. Ciao!

Current Mood: dahil sa r18 ang da vinci..

Add to Memories
Tell a Friend
Mother's Day ngayon at tlga nmang fil na fil ko yun. Bumisita kasi kame sa aking mahal na granny. Ayun,kaen ng napagkarame nnman. Cake,ice cream at kung anu anu pa. Grabe,ako nma'y talagang busog na busog. Tpos,wala nmang kakaibang nangyare,nood lang kme sa HB0 ng Mean Girls. Huwahahaha. Kakaiba pa talaga si Lindsay Lohan non. Di pa xa bulimic. Tas ang kinis nia pa non,wa pa gaanong pekas. Pero,i like her p ren hanggang ngayon.

Uhm, ayun may naalala ako! Kanina nakaupo ko sa sofa at nag iisang nanonood. Biglang dumating si Jethro na bagong ligo at naka-towel lang. Dumating na ren si ate na may dalang baso at umiinom. Dahil "ate" nga. Pinapataas niya si Jet para mag bihis na. Ayun akyat si Jetro. Eto nman si ate umakyat den ng isang step at. *blagaag*. Nadulas ata si ate at nabagsak xa. Una pa pwet. Hahaha. E dba meh dala xa non baso..Aun,tumilapon den. Basag basag. Hahaha. Nakakatawa talaga. Pero naawa ren ako nho. Kahet onte.

O xa,natatamad na tlga ako.

Current Mood: giggly
Current Music: till they take my heart away--kyla

Add to Memories
Tell a Friend
Si Caloy dumaan sa pilipinas. Grabe ang harsh niya ah. Masyado pa atang maaga para magka bagyo. Pero ansarap den nman kasi kahet pano lumameg nman. Tsarapp matulog knina. Malamang pag tulog lang ang nagawa ko ngayon kasi brown-out d2 8-5. Hayun,naubusan na ako ng antok ngayon. Hahaha.

Naalis na si Joaqui sa PBB. Buti nman hahaha. Kaburaot talaga xa. Sayang nman si Fred, wala ng kasabay magsayaw si Gerald. Hahaha.
[Error: Irreparable invalid markup ('<adek?>') in entry. Owner must fix manually. Raw contents below.]

Si Caloy dumaan sa pilipinas. Grabe ang harsh niya ah. Masyado pa atang maaga para magka bagyo. Pero ansarap den nman kasi kahet pano lumameg nman. Tsarapp matulog knina. Malamang pag tulog lang ang nagawa ko ngayon kasi brown-out d2 8-5. Hayun,naubusan na ako ng antok ngayon. Hahaha.

Naalis na si Joaqui sa PBB. Buti nman hahaha. Kaburaot talaga xa. Sayang nman si Fred, wala ng kasabay magsayaw si Gerald. Hahaha.<adek?> Ndi naman masyado.

Anu ba bago ngayon? Uhm, wala nman. Hahaha kya walang kwenta ang entry na to. O xa. Ciao!

<Anlameg!!!>

Current Mood: cold

Add to Memories
Tell a Friend
*singhot* *singhot*. Talaga namang di ko na naagapan tong sipon na toh. Pagkagising ko kaninang umaga, naluha na lang ako. Hahaha ansaklap kasi ng panaginip ko eh. Nagkasagutan daw kame ng tita ko, basta ganon. Hahaha. Bad mood na agad ako kasi naman talagang barado na yung ilong ko. Badtrep talaga. Bumaba na ko at dumerecho agad sa sofa. Anu pa bang gagawin ko dun? Siyempre matutulog ulet. At naramdaman ko n dun na ang inet ko na pala. Nilalagnat na ko. Dahil hindi pa ko nakaen, pinagpatuloy ko na lang ang masarap kong pagtulog. 12-3 ako natulog. Pag gising ko kumaen muna ako ng lunch dahil iinom nga ako gamot. Ang ulam ko pakbet. Tapos kumaen pa ko ng mangga. At ng nainom ko na ang gamot... *suka* *suka*. Eewy ahaha pero mas gumaan pakiramdam ko pagtapos ko sumuka.

Eto ako ngayon,kahet meh sakit. Net pa ren hahah. Adek.

o xa palam na let.

Current Mood: sick
Current Music: para sa masa--eraserheads

Add to Memories
Tell a Friend
Ayan,tpos na ang Pinoy Big Brother Teen Edition at talaga namang kahanga hanga si Brenda hahah. At hbang nanonood ako ay nangati na lang bigla ang aking lalamunan,as always yan. At pag nangati na nga ang aking lalamunan, sign na yon na magkakasipon ako. Para di matuloy ang sipon, umiinom kaagad ako tubig. Kaso,pahamak talaga ung PBB eh. Naaliw ako masyado kya yon, eto ako singa,singhot. Syete.

Pumunta kame Walter Mart kanina para bumili Sims2. Salamat pala Lyka. Sa hlagang 350 nabili nmen siya. Eh minalas malas talaga kame. Eksayted pa kame umuwi non xe meh kakaaliwan na naman kami. Asan yung code no.? Wala. Wala. Badtrep talaga. Buti na lang at bumili ren kame Seventeen mag na si Lindsay Lohan ang cover. Aliw naman siya kahit pano.

O xa,may tatawag daw sa ken mya. *uuy cnu un?hahah* Palam na.

Current Mood: eewy.tulo sipon

Add to Memories
Tell a Friend
Wahahaha. Isang nakakapagod na araw to sa aken.

8.30 am. Ginising ako ng mamsi ko. Nakalimutan kong pupunta pala kame sa Manila para humanap ng matutuluyan ko pag ako'y isang ganap na kaleds na. Wahahah! Eksayted na ko!

Grabe,ambaho ng San Agustin na bus, buti di ako nagsuka don.Hahaha. Eeewy naman yon.

Ayun,nakarting na kame sa taft. Hanap...hanap...tas meh namataan si mamsi na "Wanted: Lady bed spacer". E di inquire nman kame. Hahaha eto na yung worst part. Papasok na kami dun sa nasabing dorm. Tapos...tapos...binuksan kame ng pinto ng isang babae..Babaeng uhm FREAKY. Wahaha. Ansama ko nman. Eh kasi totoo nman eh. Laki niang tao tapos bumbay pa ata na maputi na parang sinasapian yung boses. Hahah. Freaky talaga. Tingin kami ng mga facilities dun. Syempre,nag-scouting den kame para tumingin ng mas maganda. Sa kasamaang palad, ang nagustuhan ni mamsi eh yung sa meh freaky gurl. Huhuh. Bahala na pag andun na ko. Di nman xa siguro nangangain. Hahaha.

Punta nman kame DV. Tumingin si mamsi ng mga pang give away. Manganganak na xe tita ko. Hahah. Tpos bumili pa ko ng tsinelas. Yung "Havanas" Hahaha. Pekeng peke eh.

Next stop,168 mall. Hahaha. Ansaya dito. Dame ko nabili. Isang napaka kyut na t-shirt at flats. Kyut tlaga.

Ayun,umuwi na kami xe meh handaan dito sa pinsan ko.

O xa,natatamad na ko. Palam!

Current Mood: exhausted

profile
gemai
User: [info]gemai
Name: gemai
calendar
Back June 2006
123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930
page summary
tags